Magnanakaw Kong, Oh! Mga Kapitbahay Ko Po

Malala pa sa kapalaran ng isang taong-grasa ang dinadanas ng aming pamilya sa patuloy naming pagtira sa Purok Tres Malanday, Marikina City.

Tinawag na nga itong Bulok Tres ng nanay ko dahil sa kakaibang ugali ng karamihan sa mga naninirahan dito. Sila ay mga inggitero at inggitera, adik at mga sugarol, magnanakaw at mga pokpok o callboy ang iba.

Nais lang nila, makakain sa araw araw. Masahol pa sa mga garapatang sumisipsip ng dugo ng gutom na asong galisin sa maduming lansangan.

Ang unang pagkakataon na kami ay maperwisyo ay nang magkaroon ng big bike ang step-father ko. Sa unang gabi ng pagparada nito sa tapat ng aming bahay, may naghiwa agad ng upholstery ng seat cover nito. Bukod sa halaga ng pagpapa-repair, nawalan kami ng ilang araw na tulog dahil sa pangamba kung ano pa ang gagawin ng gumawa nito sa aming bahay at bukod pa dito, sa aming mga buhay.

Kinabukasan, natanggal ang side mirror nito. Panibagong pagpakumpuni.

I-una nyo pa pala sa listahan ang pagkakabasag ng bintana namin ng may mang-bato nito dahil sa may kotse kame. Kotse palang ito ng aking amain na binasag ang windshield. Lubos ang inggit ng mga masasamang loob sa aming mga pag-aari.

Ang sana’y aming munting paraiso, tuluyan ng nagmistulang wagas na paghihirap sa aming mga munting katauhang nagsusumikap lamang na umunlad sa tamang paraan.

image

Ang kotse kong nakaparada lamang sa tapat ng aming bahay ay nagkaroon ng malalim na dent sa hood nito. Ilang buwan ang nakaraan, binasag na din ang windshield nito. Ang bonus ko sa trabaho, sa repair na naman napunta.

Ibinenta na lamang namin ang lahat ng mga sasakyang ito para na din maiwasan na lang ang gulo. Wala naman kaming malilipatang bahay dahil napakamahal ng bagong bahay o kahit pa second-hand. Bukod pa dun ay mahihiwalay kami sa mga kapatid ng aking ina na madalas nyang puntahan sa kanilang mga bahay.

Ang pinakabago naming karanasan sa mga galamay ni Satanas ay patungkol sa akyat-bahay gang style na pagnanakaw samin. Inakyat ang bahay namin at nakakuha sila ng dalawang cellphones at ang aking travel wallet na naglalaman ng lahat ng identifications ko tulad ng driver’s lisence at voter’s I.D kabilang ng aking mga bank cards.

Sumalakay ang mga ulupong nang wala ang aking step-father at ako naman ay nasa trabaho.

Tanging ina ko lamang ang nasa bahay at ang kapatid ko. Hindi sila parehas na nagising ngunit kung nagising sila, marahil ay patay na sila ngayon. Marahil ay i-ni-spray-an sila ng pampatulog. Maging ang aso kong tamad, walang malay ng maganap ang buong insidente.

Nagising nalamang sila ng may magsisigaw at kumalampag sa pinto ng aming bahay.

Naipadakip ng nanay ko ang dalawa sa di-umano’y apat na suspect sa naganap na pagnanakaw sa aming munting paraiso.

Si France, dies-y-siete na binatilyo at isang dalawampu’t-limang taong gulang na si Maksi.

Inamin nila ang ginawang krimen. Ang pre-meditated robbery. Ayon sa bumayo ng aming bahay para magising ang nanay ko, armado ng mga patalim ang mga ito. Handang kumitil ng buhay. Buhay na sa amin na kung may magigising at aantala sa ginagawa nilang kasamaan ay handang papatay.

Naipasok ng ilang minuto sa Malanday PCP si France and Maksi. Lubos ang hingi ng tawad ng mga ito. Wagas na tila tagas ng tubo ng MWSS ang luha ng mga pabayang ina nila. Pa-pogi naman ang mga batugang tatay nila.

Dahil sa mag-isa lamang ang nanay ko sa presinto, nilito daw siya ng mga ito. Pinalabas si Maksi at na recover ang ninakaw na cellphone ng nanay ko. Wala na ang memories sa memory card nito at wala na din ang sim card. Malinaw na isa siya sa kriminal.

Pinakawalan si France dahil dalawang araw pa bago ito maglabing-walong taong gulang, ngunit ang sabi ay ididiretso daw sa lokal na tanggapan ng DSWD.

Si Maksi, tuluyan ng pinakawalan. Si France at Maksi, nagiinuman sa tapat ng bahay namin. Parang walang nangyari. Nakalapanginig ng laman. Nakakapagpakulo ng dugong sa galit ay malapot pa sa bangkay ng isang taong linggo ng patay.

Pansin ng nanay ko, lubos ang pangunguna ng isang barangay tanod sa desisyong dapat maganap. Kakilala pala ng mga hampas lupang hindi marunong magbasa at magsulat na mga magnanakaw ang tanod na ‘yon.

Hindi naman na naibalik ang cellphone pa ng aking kapatid. May halaga din naman ang mga ito. Kaya nga ninanakaw.

Hindi na naibalik ang mga I.D.s ko. Wala na ito lahat. Uulit na naman ako sa umpisa.

Sabi ng PCP, dadaklutin ang mga ito kung hindi maibabalik ang mga ninakaw sa loob ng dalawang araw.

Pagbalik namin hindi na daw pwede ang re-arrest. Magsampa nalang daw kame ng demanda.

Ngayon, pagala-gala pa din ang apat na ito. Dalawa sa kanila, kapitbahay namin. Na lubos na biniyayaan ng maling katapangan.

Oh, Diyos ko, tulungan ninyo kami na ihatid ang mga kriminal na ito sa hustisya ng bayang Pilipinas, oh ang aming mga kapitbahay!

-Wakas-

Advertisements

About pinoyjournalist

Journalist. Son. Bum. Bored.Inspired. Loves. Loved. Runs. Backpacker wanna be. Silently noisy. Dreamer. Believer.
This entry was posted in All of PJ's Posts and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s